Sa pagtatapos ng taon, oras na para mag-file ng tax refund. Madali kang makakakuha ng Remittance Statement nitong taon na to gamit lamang ang DCOM App.
Sa article na ito, matututunan ninyo kung gaano kadaling maka-download ng PDF file ng inyong Remittance Statement. Pagkatapos ninyong i-save ang inyong remittance statement sa inyong mga cellphone, madaling niyo na itong ma-pi-print kahit saan o kahit kailan niyo man ito kailanganin.
STEP 1: Mag-login sa DCOM APP. Sa home screen, i-click ang “I-akses ang DCOM ACCOUNT”.
CLICK HERE TO DOWNLOAD THE DCOM APP TODAY!
STEP 2: Sa ilalim ng “Resibo ng Remittance”, piliin ang taon na gusto mong magkaroon ng kopya.
STEP 3: I-click ang down arrow sa taas ng screen upang i-download at i-save sa iyong cellphone.
Ganon lamang kadali at kabilis makakuha ng PDF copy ng inyong remittance statement! Sa ganitong paraan, hindi niyo na kailangan pang maghintay ng ilang araw upang makakuha ng kopya ng inyong remittance statements. Makakakuha na kayo agad ng sarili niyong digital copy at madali nalang itong ma-print sa inyong mga bahay o sa kahit saang konbini na malapit sainyo!
PAALALA: Hindi maaaring pumili/mag-edit ng data ng inyong remittance statement katulad ng data lamang na specific sa padala sa pamilya. Ang data na makukuha sa inyong remittance statement ay ang pangkalahatan na data ng inyong lahat ng pinadalang pera sa specific na taon na inyong pinili.
Kung mayroon kayong mga katanungan patungkol sa pag-request ng remittance statement o iba pang mga concerns, maaari niyo kaming kontakin sa aming Facebook Page upang ma-assist kayo ng aming mga agents.