Gamit ang iyong DCOM Deposit Card, maaari kang mag-withdraw ng pera mula sa iyong DCOM Account sa kahit saang JP Post o Yucho ATM!
Paalala: Upang magamit ang withdrawal function, kailangan mo munang i-set ang iyong PIN sa DCOM App. Kung hindi mo pa ito nagagawa, sundin ang guide na ito: https://help.sendmoney.jp/fi-set-pin/
Matapos i-set ang iyong PIN, pumunta sa pinakamalapit na JP Post ATM at sundin ang mga hakbang na ito:
Hakbang 1: Pindutin ang ENGLISH GUIDE.

Hakbang 2: Piliin ang WITHDRAWAL.

Hakbang 3: Ipasok ang iyong DCOM CARD.

Hakbang 4: Pindutin ang CARDS ISSUED IN JAPAN.

Hakbang 5: Basahin at kumpirmahin ang detalye, pagkatapos ay pindutin ang ENTER.

Hakbang 6: I-type ang iyong 4-digit PIN CODE.

Hakbang 7: I-type ang halaga na nais i-withdraw at pindutin ang YEN button.

Hakbang 8: Huwag kalimutang kunin ang iyong PERA, DCOM CARD, at RECEIPT.

Wais Tip: Kung ang iwi-withdraw ay mas mababa sa ¥200,000, mas mainam na mag-withdraw sa Lawson ATM.
Maaari mong tingnan ang guide dito: https://help.sendmoney.jp/fi-withdrawal-lawson/