Gamit ang iyong DCOM Deposit Card, maaari ka nang mag-withdraw ng pera mula sa iyong DCOM Account sa kahit saang Lawson Bank ATM nationwide!
Tandaan: Upang magamit ang withdrawal function, kailangan mo munang i-set ang iyong PIN sa DCOM App. Kung hindi mo pa ito ginagawa, sundin ang guide na ito: https://help.sendmoney.jp/fi-set-pin/
Matapos i-set ang iyong PIN, pumunta sa pinakamalapit na Lawson ATM at sundin ang mga hakbang na ito:
Hakbang 1: Pindutin ang ENGLISH GUIDANCE.

Hakbang 2: I-click ang NEXT.

Hakbang 3: Ipasok ang iyong DCOM CARD.

Hakbang 4: Piliin ang WITHDRAWAL.

Hakbang 5: I-type ang iyong 4-digit PIN CODE.

Hakbang 6: I-type ang halaga na nais i-withdraw at i-click ang CONFIRM.

Hakbang 7: Huwag kalimutang kunin ang iyong PERA, CARD, at RECEIPT.

Wais Tip: Kung kailangang mag-withdraw ng higit sa ¥200,000, mas mainam na gamitin ang JP Post (Yucho) ATM.