Gamit ang DCOM App, maaari kang mag-cash out o mag-withdraw mula sa iyong DCOM Account sa kahit saang Seven Bank ATM kahit walang physical card! Sundin lamang ang guide below:
Hakbang 1: Buksan ang DCOM App at pindutin ang MORE.

Hakbang 2: Piliin ang I-WITHDRAW ANG PERA at hanapin ang I-CASH OUT SA SEVEN BANK ATM.

Hakbang 3: Basahin at kumpirmahin ang Terms and Condition. Pindutin ang SUSUNOD.

Hakbang 4: I-type ang halagang nais i-withdraw at pindutin ang SUSUNOD. Suriin ang detalye ng transaksyon at pindutin ang ITULOY.

- Maximum limit of ¥100,000 per day at ¥1,000,000 per month.
- Withdrawal fee ¥350.
- I-check ang withdrawal request expiration. Once mag-expire ibabalik ang pera sa inyong DCOM account hindi kasama ang withdrawal fee.
SAMPLE COMPUTATION:
¥5,000 (halagang nais i-withdraw) + ¥350 (Withdrawal fee)
= ¥5,350 (Total Amount na nasa DCOM Balance)
Hakbang 5: Pindutin ang I-CONFIRM upang isumite ang inyong withdrawal request.

Hakbang 6: Kumpletuhin ang FACE VERIFICATION.

Hakbang 7: Matapos ang matagumpay na request, pumunta sa pinakamalapit na Seven Bank ATM at gamitin ang CONFIRMATION NUMBER para makuha ang inyong cash.
