Ready ka na bang mag-remit? I-verify na ang inyong account sa pag-upload ng inyong MyNumber card via DCOM App para ma-enjoy ang aming full services. Scan at upload na!
Hakbang 1: Matapos ang matagumpay na registration, mag-log in sa DCOM App at i-click ang “I-VERIFY ANG IYONG IDENTITY O PAGKAKAKILANLAN” sa Home Screen.

Hakbang 2: Piliin ang inyong nationality upang makita ang mga kinakailangang dokumento, at pindutin ang SUSUNOD.

Hakbang 3: Kuhanan ng malinaw na larawan ang harap ng inyong MyNumber Card.

Hakbang 4: Kung alam ninyo ang PIN ng inyong MyNumber Card, pindutin ang OO. Ilagay ang PIN, itapat ang ID card sa likod ng inyong telepono, at i-click ang SCAN.
Kung HINDI alam ang PIN, pindutin ang HINDI. I-type ang 12-digit number na nasa likod ng card at ang 4-digit number na nasa harap nito.

Hakbang 5: Basahin at unawain ang mga alituntunin para sa Face Verification.

Hakbang 6: Kumpletuhin ang proseso ng face verification. Sundin ang mga gabay sa screen para sa tamang posisyon ng inyong mukha.

Hakbang 7: Lalabas ang kumpirmasyon ng tagumpay na proseso; i-click ang ISARA.
