Ang pagpapanatili ng tamang impormasyon ng iyong ID at address ay mahalaga para sa tuluy-tuloy at ligtas na serbisyo. Para sa mas mabilis na pagproseso, siguraduhing ang inyong DCOM App ay updated sa version 5.7 bago magpatuloy.
Hakbang 1: Mula sa Main Screen, pindutin ang ACCOUNT.

Hakbang 2: Piliin ang IMPORMASYON NG ACCOUNT.

Hakbang 3: Pindutin ang I-UPDATE ANG PERSONAL ID at piliin ang BAGONG ID AT ADDRESS.

Hakbang 4: Ihanda ang mga kailangang ID o impormasyon at pindutin ang SUSUNOD.

Hakbang 5: Ilagay ang iyong bagong address at iba pang kailangang impormasyon at pindutin ang SUSUNOD.

Hakbang 6: Kunan ng larawan ang Residence Card (harap at likod) ayon sa mga nakasulat na instruksyon.

Hakbang 7: Suriin ang Residence Card Number at pindutin ang SIMULAN ANG PAG-SCAN.
