Para ma-enjoy ang mas mabilis, mas madali, at hassle-free na deposit sa DCOM Direct Banking, siguraduhing naka-register ang iyong kasalukuyang Japanese phone number sa JP Bank. Sundin ang gabay na ito.
📌 Paalala: Ang pag-update ng phone number ay available lamang sa Japanese language. Piliin ang Japanese sa ATM screen bago magsimula.
HAKBANG 1: Ipasok ang iyong JP Bank Cash Card.

HAKBANG 2: Pindutin ang その他お取り引き.

HAKBANG 3: Piliin ang 電話番号変更.

HAKBANG 4: Basahin ang paalala at pindutin ang 確認.

HAKBANG 5: Ilagay ang iyong 4-digit PIN code.

HAKBANG 6: Suriin ang lumang phone number at pindutin ang 確認.

HAKBANG 7: I-type ang iyong BAGONG Japanese phone number at pindutin ang 確認.

HAKBANG 8: Kumpirmahin ang iyong bagong numero at pindutin ang 確認.

HAKBANG 9: Huwag kalimutang kunin ang iyong Cash Card at Resibo.

Ready ka ng mag-padala !
Huwag nang pumila magpadala agad sa pamilya! Ngayong updated na ang iyong Japanese phone number, handang-handa ka na para sa mas mabilis, mas madali, at laging instant na pagdi-deposit nang hindi man lang umaalis ng bahay.
- Unang beses pa lang? 👉 I-click ito para i-Link ang iyong JP Bank Account sa DCOM App.
- Naka-link na ang account? 👉 Iwasan ang pila at mag-TOP-UP na nang direkta para sa agarang pagpapadala ngayon!