Isang exciting na balita mula sa partnership ng DCOM at Lawson Bank!
Lubos kaming nagagalak na ipakita ang aming BAGONG DCOM Premier Club Cards, dinisenyo upang maging mas mabilis at mas tipid ang inyong pagpapadala ng pera sa inyong mga mahal sa buhay.
Dahil sa collaboration na ito, madali na kayong makakapagpadala ng pera gamit ang BAGONG DCOM cards sa higit sa 13,500 na Lawson Bank ATMs sa buong Japan, kabilang ang mga nakalagay sa loob ng Lawson Stores, 24 oras, araw araw! Siguradong malaki itong ginhawa sa inyo mga ka-DCOM.
Hindi lamang yun, ang BAGONG DCOM Card na ito ay ang may pinaka-murang ATM Fee sa lahat ng remittance cards sa Japan.