
Gamit ang DCOM Mobile Application, maaari ka nang lumikha ng iyong personal na deposit account powered by PayPay Bank.
Ano ang mga pwede mong gawin gamit ang DCOM Virtual Account?
1. Maaari mong ikonekta ang iyong virtual account sa iyong DCOM Main Wallet.

Maaari kang mag-bank transfer ng pondo mula sa iyong Personal Bank Account papunta sa iyong Virtual Account, at ito ay awtomatikong ide-deposit sa iyong DCOM Wallet nang real-time.
2. Maaari mong ikonekta ang iyong virtual account sa iyong piniling Receiver.

Kapag nag-bank transfer ka ng pondo mula sa iyong Personal Bank Account papunta sa iyong Virtual Account, awtomatikong ipoproseso ito papunta sa iyong piniling receiver.
Paano gumawa ng Virtual Account?
1. Buksan ang DCOM App at i-click ang Account

2. I-click ang Virtual Account at pindutin ang Create
Sa default na setting, ang iyong virtual account ay nakakonekta sa main wallet ng iyong DCOM Account.

3. Kumpirmahin lamang ang mga susunod na steps

Matagumpay mong nalikha ang iyong DCOM Virtual Account! Maaari mo na itong gamitin para magdeposito ng pera sa iyong DCOM Account nang real-time!
PAALALA:
👉🏻 Ang account na ito ay nakatalaga lamang para sa pagdeposito ng pondo sa iyong DCOM Account. Ang pagbabahagi, pagsisiwalat, o paggamit ng virtual account para sa anumang hindi awtorisadong layunin ay paglabag sa mga tuntunin ng serbisyo. Nakalaan sa DCOM ang karapatang suspindihin o limitahan ang iyong access kung may matukoy na kahina-hinalang aktibidad.
👉🏻 Dapat lamang maglipat ng pondo mula sa bank account na nakapangalan sa mismong user at tumutugma sa impormasyong nakarehistro sa DCOM. Ang mga depositong mula sa third-party account ay maaaring tanggihan. Hindi mananagot ang DCOM sa anumang pagkawala na dulot ng maling padala o paggamit ng bank account ng ibang tao.
👉🏻 Ang lahat ng deposito na ginawa gamit ang virtual account ay awtomatikong makikita sa iyong DCOM Account kapag nakumpirma na ng sistema. Maaaring magbago ang oras ng pagproseso depende sa bangko o sa oras ng transaksyon.