
Ang DCOM Remittance Card ay isang card kung saan nakarehistro na ang pangalan ng iyong receiver. Kapag ito ang ginamit mo, ang perang ide-deposito mo ay diretsong ipapadala sa receiver na nakarehistro sa card na ito.
Kung nais mong mag-request ng DCOM Remittance Card (Direct to Receiver Card), sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang:
1. Pindutin ang “DCOM Card” icon

2. Pindutin ang “PLUS” sign at piliin ang Remittance Card

3. Piliin ang pangalan ng receiver na nais gawan ng Remittance Card

4. Kumpirmahin kung tama ang iyong Address
Dito ipapadala ang iyong ini-request na Remittance Card.
Kung may pagpapabago sa iyong Address, mangyaring mag-upload muna ng Residence Card kung saan nakasulat ang iyong bagong address bago mag-request ng Remittance Card.

Matangumpay mong na-request ang iyong DCOM Direct Card!
Mag hintay na lamang ng 2-3 working days bago dumating ang iyong remittance card sa iyong address.