
Kung nakalimutan mo ang iyong password, madali mo itong ma-reset gamit ang DCOM App. Kailangan mo lang ang iyong DCOM Card at ang napili mong notification method (email o phone number) para matanggap ang iyong OTP verification.
Sundin lamang ang steps na ito:
1. Pindutin ang Log in at Piliin ang Nakalimutan ang Password?

Ilagay ang inyong RMT Number (Ito ay makikita sa likod ng iyong DCOM Card) at ang iyong Kaarawan

2. Piliin ang verification method
Piliin kung saan nais makatanggap ng verification (Phone Number o Email Address) at ilagay ang verification code sa susunod na screen

3. Ilagay ang bagong password
I-type ang bagong password ng dalawang beses at i-click ang Palitan ang Password

Matagumpay mo nang na-reset ang iyong password! Maaari ka nang mag-login gamit ang iyong username at ang iyong bagong password.