Alam namin na ang buhay sa Japan ay hindi na katulad ng dati. Tumataas ang mga presyo ng lahat ng bilihin, at upang matulungan ang ating mga kababayan, inaalok namin ang aming serbisyo sa mas abot-kayang halaga upang makatipid tayo ng kahit papano.
DCOM SERVICE FEE
DCOM CARDS ATM FEE
DCOM DEPOSIT CARD
Upang makapagpadala ng pera, kailangan mong pondohan ang iyong DCOM Account. Gamit ang DCOM Deposit Card na ipinadala namin sa iyo, maaari kang mag-deposito at mag-withdraw ng pera sa iyong DCOM Account. Real-time ang bawat transaksiyon kahit holiday.
DCOM REMITTANCE CARD
Kung nais mo ng awtomatikong padala, maaari kang mag-request ng DCOM Remittance Card. Ang bawat card ay konektado na sa iyong napiling receiver. Kapag ginamit mo ang card na ito sa pagdeposito, awtomatikong mapapadala ang pera sa iyong receiver. Hintayin lamang ang confirmation message na aming ipapadala sa iyong napiling notification method.
TANDAAN: Kung ikaw ay nagpadala gamit ang DCOM Money Express, wala na itong kaltas sa iyong receiver pagdating sa Pilipinas. Buo nilang matatanggap ang iyong padala.
Kung kayo ay may katanungan patungkol sa aming service fees, mangyaring kumonekta sa aming Customer Service Representative.