
Good News mga ka-DCOM! Maaari ka nang mag-withdraw ng pera gamit ang iyong DCOM Card sa lahat ng Lawson Bank at JP Bank ATMs sa buong Japan!
Para magamit ang withdrawal function ng DCOM Card, kailangan mo munang i-set ang iyong PIN CODE gamit ang DCOM App. Narito kung paano:
1. Pindutin ang DCOM Card icon

2. Piliin ang Deposit Card at i-scroll ito pababa hanggang sa makita ang I-set o palitan ang PIN na option

3. Gumawa ng 4-digit PIN
Siguraduhing ito ay madaling matandaan. Matapos ito i-type ng dalawang beses, pindutin lamang ang i-save

Matagumpay mong na-set ang iyong PIN CODE para sa iyong DCOM Card! Maaari mo nang gamitin ang iyong DCOM Card para mag-withdraw ng pera mula sa iyong DCOM Account.