
Gamit ang bagong DCOM Card, maaari ka na ring mag-withdraw ng pera galing sa iyong DCOM Account. Bukod sa Lawson ATM, makakapag-withdraw ka rin ng pera gamit ang ATM ng Yucho.
Kung kailangan mong mag-withdraw ng pera mula sa iyong DCOM Account, anuman ang dahilan, napakadali lang nito gawin. Sundin lamang ang step-by-step na ito:
1. Pindutin ang English Guide

2. Pindutin ang Withdrawal

3. Ipasok ang iyong DCOM Deposit Card

4. Pindutin ang Cards Issued In Japan

5. Basahin at pindutin ang Enter

6. Ilagay ang iyong PIN Number

7. Ilagay ang amount na nais i-withdraw

8. Kunin ang Cash, Card at ang iyong Resibo


Matapos gawin ang withdrawal, ikaw ay agarang makakatanggap ng notification sa iyong DCOM App
