Cash Pickup man o Account Deposit, mas pinadali na ang pagdagdag ng receiver gamit ang DCOM App!
Hakbang 1: Pindutin ang RECEIVER icon.

Hakbang 2: Pindutin ang PLUS (+) icon. Basahin ang mga Tuntunin at Kondisyon.

Hakbang 3: Pumili ng Paraan ng Payout.
Para sa Cash Pickup:
Pumili ng isa sa mga cash pickup centers.
Paalala: Ang reference number na matatanggap mo mula sa amin ay maaari mong gamitin sa anumang cash pickup location.
Para sa Account Deposit:
Siguraduhing tugma ang pangalan ng bangko at Account Number. Para maiwasan ang pagkakamali at pagkaantala ng padala, I-check ang bank book o deposit slip ng iyong receiver.
Para sa E-Wallets:
Para makapagpadala sa E-wallets, pindutin ang Account Deposit, at piliin ang G-Xchange Inc -GCash or PayMaya.
Sa G-Cash, maaari ka ding magpadala sa Japan number! Sundin lamang ang format na ito:
- Japan number – 81XXXXXXXXXXX
- Philippine number – 639XXXXXXXXX

Hakbang 4: Kumpletuhin ang mga impormasyon ng iyong receiver.


Matagumpay mong na-rehistro ang iyong bagong receiver!
Sa DCOM, pagkatapos mong idagdag ang iyong receiver, hindi mo na kailangang maghintay ng verification mula sa amin. Maaari ka nang magpadala ng pera agad!
Para makagawa ng transaksyon, click here and sundin ang guide:
Paano Gumawa ng Transaksyon via DCOM App