Sa pinakabagong update ng DCOM App, ang pagpapadala ng pera gamit ang DCOM Money Express ay mas pinadali, mas pinabilis, at garantisadong ligtas! Upang magamit ang mga bagong features, tiyaking updated ang inyong DCOM app sa version 5.7.
Hakbang 1: Pindutin ang PADALA icon.

Hakbang 2: Pumili ng nais padalahan na receiver at pindutin ang PILIIN.

Hakbang 3: Basahin at unawain ang Terms and Conditions, pagkatapos ay pindutin ang SUSUNOD.

Hakbang 4: Ilagay ang halaga (amount) na nais ipadala.

Hakbang 5: Kumpletuhin ang lahat ng kinakailangang detalye at pindutin ang SUSUNOD.

Hakbang 6: Kumpirmahin ang detalye ng transaction.

Hakbang 7: Pindutin muli ang I-CONFIRM kung nais ipagpatuloy ang transakyon.

Hakbang 8: Matagumpay nang na-proseso ang inyong transaksyon. Pindutin ang SAVE IMAGE upang i-download ang kopya ng inyong transaction details.
