Kailangan mo ng printed copy ng iyong DCOM Remittance Statement? Maaari mong i-print ang iyong PDF gamit ang 7-Eleven Multicopy machine at 7-Eleven Multicopy app.
Bago Mag-print
- I-save ang iyong Remittance Statement PDF sa iyong smartphone.
- I-install ang 7-Eleven Multicopy app mula sa App Store o Google Play.
Mga Hakbang
- Buksan ang 7-ELEVEN MULTICOPY APP.
- Piliin ang DOCUMENT PRINT → PRINT SETTINGS → BASIC PRINT.
- Piliin ang B&W o Color, pindutin ang A4.
- I-tap ang ADD FILE → DOCUMENT FILE → OPEN FILE APP at piliin ang iyong Remittance Statement PDF.
- I-tap ang OKAY, at piliin ang SAVE TO QR CODE
- Sa 7-Eleven Multicopy machine, piliin ang PRINT → SMARTPHONE (Wi-Fi).
- I-scan ang QR code na nasa iyong smartphone.
- Ilagay ang kinakailangang bayad at pindutin ang START para mag-print.
Importanteng Paalala
- Maaaring mag-iba ang menu names at screen display depende sa app version o Multicopy machine.
- Siguraduhing tama ang napiling PDF file bago gumawa ng QR code.
- Panatilihing secure ang iyong Remittance Statement at QR code dahil maaaring naglalaman ang mga ito ng personal o transaction information.
- Ang printing fee ay itinakda ng 7-Eleven at maaaring magbago. Pakitingnan ang Multicopy machine para sa kasalukuyang fee bago mag-print.
- Para sa mga katanungan sa Multicopy machine o app, makipag-ugnayan sa official support channels ng 7-Eleven.
Disclaimer
Ang 7-Eleven Multicopy printing service ay hindi parte ng DCOM Money Express services at hindi ito pinapatakbo o pinamamahalaan ng DCOM Money Express. Hindi responsable ang DCOM sa availability, fees, o technical issues ng 7-Eleven printing service. Para sa concerns tungkol sa printing service, mangyaring makipag-ugnayan sa 7-Eleven.
Official Reference
Ang gabay na ito ay batay sa official instructions ng 7-Eleven Japan Multicopy Service:
7-Eleven Japan – Print / Multicopy Service
7-Eleven Japan – Smartphone-to-Multicopy Wi-Fi Connection Guide
Para sa pinakabagong procedures, supported formats, fees, at service availability, mangyaring tingnan ang official information ng 7-Eleven Japan.
Dalawang Paraan para Mag-request ng Remittance Statement
Narito ang dalawang paraan kung paano mag-request ng Remittance Statement gamit ang DCOM Money Express App:
- I-download bilang PDF – I-download ang iyong Remittance Statement bilang PDF at i-save ito sa iyong device.
Paano I-download ang Remittance Statement via DCOM App - I-request via Post-Mail – I-request na ipadala ang iyong Remittance Statement sa iyong address sa pamamagitan ng post.
Paano I-request ang Remittance Statement via Post-Mail
Piliin ang paraan na mas angkop sa iyong pangangailangan at sundin ang step-by-step guide para makuha ang iyong Remittance Statement.