Sa DCOM, madali mong maida-download ang iyong Remittance Statement para makita ang lahat ng iyong padala, o kung kailangan mo ito para sa iyong tax refund.
Sundin lamang ang mga simpleng hakbang sa ibaba:
Hakbang 1: Sa Home screen pindutin ang ACCOUNT.

Hakbang 2: Pindutin ang REMITTANCE STATEMENT at piliin ang taon na nais i-download.

Hakbang 3: Piliin ang pangalan ng receiver na nais i-request ng remittance statement.
Kung nais isama sa Remittance Statement ang lahat ng transaksyon, Pindutin lamang ang Select All bago pindutin ang Kunin ang PDF.
Kung pili lamang ang nais isama sa Remittance Statement, Pindutin lamang ang pangalan ng receiver bago pindutin ang Kunin ang PDF.

Hakbang 4: Pindutin ang SHARE button at i-save ito sa inyong files.

Kailangan mo rin ng printed copy? Maaari mo ring tingnan ang aming guide kung paano i-print ang iyong Remittance Statement PDF sa 7-Eleven gamit ang 7-Eleven Multicopy app.