Maging wais sa bawat padala! Gamitin ang iyong naipong DCOM points bilang pambawas sa service fee para mas lumaki ang maiuuwi ng iyong pamilya. Points mo, savings mo! Sundin ang mga steps sa ibaba:
Hakbang 1: Pindutin ang PADALA.

Hakbang 2: Ipagpatuloy ang transaksyon ng remittance ayon sa nakasanayang proseso.

Hakbang 3: Sa bahagi ng Karagdagang Detalye, ilagay ang bilang ng DCOM Points na nais mong gamitin. Makikita rin dito ang iyong kasalukuyang available DCOM Points.

Hakbang 4: I–review ang mga detalye ng transaksyon at ma-kumpleto ang proseso ng remittance. Awtomatikong ibabawas ang iyong DCOM Points sa kabuuang service fee.

📌 Paalala
- Ang DCOM Points ay maaari lamang gamitin para sa service fee.
- Kung parehong na-input ang Promo Code at DCOM Points, Promo Code ang priority ng DCOM App.
- Ang partial points earned mula sa transaction ay magri-reflect lamang pagkatapos ng successful completion ng transaction.