DCOM Remittance Card! Mas madali at direkta ang padala gamit ito!
Ang DCOM Remittance Card ay nakarehistro na sa pangalan ng iyong receiver. Kapag ginamit mo ito sa pagdeposito, diretso agad mapapadala ang pera sa kanila mabilis at automatic!
Gusto mo rin bang magka-DCOM Remittance Card (Direct to Receiver Card)? Sundin lang ang mga simpleng hakbang sa ibaba:
1. Pindutin ang “DCOM Card” icon

2. Pindutin ang “PLUS” sign at piliin ang Remittance Card

3. Piliin ang pangalan ng receiver na nais gawan ng Remittance Card

4. Kumpirmahin kung tama ang iyong Address
Dito namin ipapadala ang iyong ni-request na Remittance Card.
May pagbabago ba sa iyong address? Mangyaring i-upload muna ang iyong Residence Card na may nakasulat na bagong address bago ka mag-request ng Remittance Card, para siguradong tama ang padala

Matangumpay mong na-request ang iyong DCOM Direct Card!
Mag hintay na lamang ng 2-3 JP post office working days bago dumating ang remittance card sa iyong registered address.