Mag-withdraw kahit nasa bahay lang! Gamit ang DCOM App, maaari mong ilipat ang pera mula sa iyong DCOM Balance pabalik sa iyong personal bank account. Sundan lamang ang guide na ito:
Hakbang 1: Pindutin ang MORE icon.

Hakbang 2: Sa Ibang Serbisyo, piliin ang I-WITHDRAW ANG PERA at hanapin ang I-WITHDRAW ANG PERA VIA BANK TRANSFER.

Hakbang 3: Basahin at kumpirmahin ang mga Tuntunin at Kondisyon, at pindutin ang SUSUNOD.

Hakbang 4: I-type ang halaga na nais i-withdraw at impormasyon ng bank account at iba pang impormasyon. Suriin ang impormasyon at pindutin ang SUSUNOD.

Hakbang 5: Pindutin ang I-SUBMIT.

Hakbang 6: Kunan ng larawan o i-upload ng ATM Cash Card o Passbook, at pindutin ang I-upload. Suriin ang larawan at pindutin ang I-CONFIRM.

Hakbang 7: Kumpletuhin ang face verification para seguridad ng inyong DCOM account.

Hakbang 8: Matapos makapag-request i-monitor ang inyong bank account para sa pag-credit ng iyong pera.
