Tulad ng maraming Pilipino na naninirahan sa Japan, lahat tayo ay nagpapadala ng pera sa ating mga mahal sa buhay sa Pilipinas.
Ngunit katulad rin ng karamihan, marami ang nalilito sa kung paano ang proseso ng pag-upload ng dokumento, lalung-lalu na ang proof of income, para sa mga accounts na umabot sa limit.
Ayon sa regulasyon ng DCOM, kinakailangang magpasa ng additional na dokumento ang mga customers na umabot sa limit upang maproseso ang kanilang transaksiyon.
Ano ba ang mga dokumento na kinakailangang ipasa?
- Larawan ng Bank Statement sa nakaraang 3 ~ 6 na buwan kung saan makikita ang iyong sweldo at mga bank transfer papunta sa DCOM.
- Larawan ng iyong Bank Book page kung saan makikita ang iyong personal na impormasyon.
Hakbang sa Pagpasa ng mga Dokumento gamit ang DCOM App
Step 1: Buksan ang DCOM app at i-click ang MENU at Pindutin ang “Magsumite ng karagdagang mga dokumento”
Step 2: Piliin ang mga kinunan na larawan ng iyong bank statement sa huling 3 ~ 6 na buwan. Siguraduhing isama ang pahina kung saan nakikita ang iyong personal na impormasyon.
Importanteng paalala:
- Ang palitan ng iyong padala ay tutukuyin sa oras ng paggawa ng transaksiyon kung mayroong sapat na balanse sa iyong account upang ito ay maproseso.
- Ang DCOM ay mahigpit na sumusunod sa mga legal na regulasyon patungkol sa anti-money laundering. Kung sakaling i-reject ng DCOM ang iyong transaksiyon, ibabalik ang iyong pondo sa iyong DCOM Account.ng DCOM ang iyong pondo sa iyong account.