Dalawang buwan na lamang ang natitira upang kayo ay makapag-file ng Annual Tax Return o Nenmatsu chōsei (年末調整) sa Japan. Dalawang buwan na lamang ang natitira upang kumpletuhin at siguraduhin ang mga impormasyon upang maiwasan ang pagkakamali dahil sa bagong regulasyon na ipinatupad ng Japanese Government sa Tax Return Law ngayong 2023.
1. Bagong regulasyon tungkol sa dependents na eligible para sa tax exemption o refund:
- Under 16 years old: Hindi eligible na maging isang dependent
- 16 – 29 years old: Maaaring irehistro bilang dependent (walang limitasyon sa pera na kailangang ipadala)
- 30 – 69 years old: Maaaring irehistro bilang dependent KUNG sila ay papasok sa isa sa kondisyon na ito:
- Nakapagpadala sa dependent ito ng minimum na 380,000 YEN sa loob ng isang taon at may Remittance Statement na magpapatunay nito. (Ang Remittance Statement ay maaaring i-request sa DCOM ng libre)
- Ang dependent na ito ay isang international student sa ibang bansa (maliban sa Japan)
- Ang dependent na ito ay may kapansanan (PWD)
- 70 years old pataas: Maaaring irehistro bilang dependent (walang limitasyon sa pera na kailangang ipadala)
2. Mga dokumentong kailangan upang makapag-proseso ng tax refund:
- Residence Card (在留カード ・Zairyu ka-do)
- Annual Tax withholding slip (源泉徴収票 – Genzenchōshū-hyō)
- Proof of relationship sa inyong dependents – Ito ay maaaring family card o kaya naman ay birth certificate (Ito ay kailangang naka-translate sa hapones o Japanese)
- Proof of payment sa inyong dependent o Remittance Statement (Ito ay downloadable sa DCOM App o kaya naman ay libre ninyo itong mare-request sa DCOM)
3. Sa kasalukuyan, para sa bawat isang registered dependent, ang worker sa Japan ay makakatanggap ng tax reductions:
- Income tax (所得税): Reduction na umaabot sa 20,000 YEN/year
- Resident tax (住民税): Reduction na umaabot sa 35,000 YEN/year
→ Total: Reduction na umaabot sa 55,000 YEN/year
Halimbawa: Ang isang trabahador ay nagbabayad ng tax na umaabot sa 200,000 YEN kada taon (Kasama ang Income Tax at Residence Tax)
Ngunit, sa pag-file ng tax refund na may dalawang registered dependents:
→ Tax Reduction: 2 (people) x 55,000 YEN = 110,000 YEN kada taon.
Paalala: Hindi kinakailangan na isang bagsakan ang pagpapadala ng 380,000 YEN. Maaari itong multiple na transaksiyon hangga’t ang kabuuang halaga ay 380,000 YEN. (Hindi kasama sa total na ito ang transaction fee ng padala)