Maaari mong i-update ang iyong personal na impormasyon sa pamamagitan lamang ng DCOM App . Kung ang iyong Residence Card ay expired na, kung may pagbabago sa visa o kung may pagbabago sa iyong address. Ang layunin ng pag-update ng personal na impormasyon ay ang sumusunod:
- Para sa mga customer na expired ang residence card, sinusuportahan ito ng DCOM hanggang sa 6 na buwan mula sa petsa ng pag-expire. Upang tiyakin na walang magiging problema sa iyong padala, siguraduhing i-update ang Residence Card sa DCOM matapos mag-renew.
- Upang maiwasan ang anumang pagkaantala sa pagtanggap ng sulat o dokumento mula sa DCOM, siguraduhing tugma ang iyong address sa iyong Residence card.
Maaari mong i-update ang iyong impormasyon ng walang kahirap-hirap. Sundin lamang ang steps sa ibaba:
Step 1: Mag-log in sa DCOM App, Pindutin ang Menu sa kaliwang sulok screen at Piliin ang “Magsumite ng karagdagang mga dokumento”
Step 2: I-click ang “Isumite ang dokumento”
Maaari mong gamitin ang iyong Residence Card, MyNumber card o Driver’s License.
Step 3: Kunan ng larawan ang iyong ID ayon sa hinihingi ng DCOM App. Siguraduhing malinaw ang mga larawan (Hindi malabo at siguraduhing nababasa ang mga impormasyon sa iyong ID)
Kinakailangan makuhan ng larawan ang: Harap ng card, likod ng card, 45 degree na anggulo o gamit ang NFC reader ng iyong telepono upang makumpleto.
Pindutin ang “OK” upang makumpleto ang proseso ng pag-update ng impormasyon.
Matagumpay mong na-i-update ang iyong personal na impormasyon. Ugaliing i-update ang iyong impormasyon tuwing may pagbabago upang walang maging pag-antala sa iyong mga transaksiyon.