Gamit ang DCOM App, maaari kang mag-cash out o mag-withdraw mula sa iyong DCOM Account sa kahit saang Seven Bank ATM kahit walang physical card! Sundin lamang ang guide below:
Hakbang 1: Buksan ang DCOM App at pindutin ang More.

Hakbang 2: Piliin ang I-withdraw ang Pera at hanapin ang I-cash out sa Seven Bank ATM.

Hakbang 3: Basahin at kumpirmahin ang mga paalala.

Hakbang 4: I-type ang halagang nais i-withdraw at pindutin ang Susunod. Suriin ang detalye ng transaksyon at pindutin ang Ituloy.

Hakbang 5: Pindutin ang I-confirm upang isumite ang inyong withdrawal request.

Hakbang 6: Sundin ang Biometric Authentication sa app.

Hakbang 7: Matapos ang matagumpay na request, pumunta sa pinakamalapit na Seven Bank ATM at gamitin ang Confirmation Number para makuha ang inyong cash.
