Sa pinakabagong update ng DCOM App, ang pagpapadala ng pera gamit ang DCOM Money Express ay mas pinadali, mas pinabilis, at siguradong ligtas!
HAKBANG 1: Pindutin ang Padala icon

HAKBANG 2: Piliin ang receiver na nais padalhan.
Piliin lamang sa listahan ng Receiver ang iyong nais padalhan. Kung nais magpadala sa bagong receiver, sundin lamang ang guide na ito: Paano Magdagdag ng Bagong Receiver.

HAKBANG 3: Basahin ang Tuntunin at Kondisyon, at ilagay ang halagang nais mong ipadala.
Matapos ilagay ang halaga na ipapadala, awtomatikong kakalkulahin ni DCOM App ang service fee at ang akwtal na halagang matatanggap in iyong receiver

Maaari kang maglagay ng halaga sa Kabuuang Halaga sa JPY o Aktwal na Halagang Matatanggap sa PHP
HAKBANG 4: Punan ang hinihinging impormasyon. Pindutin ang Susunod.

Importanteng ilagay ang pinagmulan ng pondo ng iyong padala.
HAKBANG 5: Kumpirmahin ang mga detalye. I-click ang I-confirm.

Siguraduhing tama at updated ang lahat ng detalye.
HAKBANG 6: Gawin ang Biometric Authentication
Ginagamit lamang ang biometric authentication upang matiyak na ikaw ang totoong gumagamit ng account at para sa seguridad ng inyong DCOM account.

Matagumpay kang nakagawa ang transaksyon!
Hintayin lamang ang notipikasyon galing sa DCOM patungkol sa iyong padala.