Gamit ang DCOM App, maaari kang mag-cash out o mag-withdraw mula sa iyong DCOM Account sa kahit saang Seven Bank ATM kahit walang physical card! Sundin lamang ang guide below:
Hakbang 1: Buksan ang DCOM App at pindutin ang MORE.

Hakbang 2: Piliin ang I-WITHDRAW ANG PERA at hanapin ang I-CASH OUT SA SEVEN BANK ATM.

Hakbang 3: Basahin at kumpirmahin ang mga paalala.

Hakbang 4: I-type ang halagang nais i-withdraw at pindutin ang SUSUNOD. Suriin ang detalye ng transaksyon at pindutin ang ITULOY.

Hakbang 5: Pindutin ang I-CONFIRM upang isumite ang inyong withdrawal request.

Hakbang 6: Sundin ang Biometric Authentication sa app.

Hakbang 7: Matapos ang matagumpay na request, pumunta sa pinakamalapit na Seven Bank ATM at gamitin ang Confirmation Number para makuha ang inyong cash.
