Sa DCOM, madali kang makakarequest na ipadala ang iyong Remittance Statement via Post-Mail para suriin ang lahat ng iyong padala o kung kailangan mo ito para sa iyong tax refund. Sundin lamang ang mga simpleng hakbang:
1. Buksan ang DCOM App at pindutin ang Account at pindutin ang Remittance Statement

2. Pindutin ang Matanggap via Post-Mail sa pinakababang bahagi ng screen at Piliin ang taon na nais i-download

3. Pindutin ang I-request button at I-confirm ang iyong address na papadalhan ng Remittance Statement

Paalala: Kapag nag-request ng Remittance Statement via Post Mail, hindi maaaring pumili ng specific na receiver. Kung nais mong mag-request ng remittance statement para sa specific na receiver, maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pag-request ng Remittance Statement via PDF Version.
Pagkatapos gumawa ng request, maghintay lamang ng 3-4 working days bago ito ma-deliver sa iyong address.