
Maaari ka nang mag-withdraw ng pera gamit ang iyong DCOM Card sa lahat ng Lawson Bank at JP Bank ATMs sa buong Japan!
Para magamit ang withdrawal function ng DCOM Card, kailangan mo munang i-set ang iyong PIN CODE gamit ang DCOM App. Narito kung paano:
HAKBANG 1: Mula sa Home page, pindutin ang DCOM CARD button.

HAKBANG 2: Pumunta sa ibabang bahagi ng page at hanapin ang I-set o Palitan ang PIN.

HAKBANG 3: Mag-set ng bagong PIN na nais gamitin.
I-type ng dalawang beses at pindutin lamang ang I-save.

Matagumpay mong na-set ang iyong PIN CODE para sa iyong DCOM Card!
Maaari mo nang gamitin ang iyong DCOM Card para mag-withdraw ng pera mula sa iyong DCOM Account. Magtungo lamang sa malapit na JP Post Bank/Yucho ATM o Lawson ATM upang makapag-withdraw.
PAALALA: May Withdrawal Fee depende sa amount ng withdrawal ang DCOM Card.
